
Nabitin ba kayo mga Kapuso sa twinning adventure nina Kyline Alcantara at Bianca Umali sa Daig Kayo Ng Lola Ko?
Daig Kayo Ng Lola Ko: Ang bagong kambal-tuko
Puwes, sundan ang gumagandang kuwento ni Lola Goreng tampok ang mga teen stars bilang kambal na sina Ella at Emma.
Matulungan kaya ng dalawa ang mga kaibigan nila na sina Mark at Mike na naging kambal-tuko matapos pumalpak ang magic ng diwata?
Gawing makabuluhan ang Sunday night ninyo sa panonood ng magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko pagkatapos ng Amazing Earth.