What's on TV

Tambalan nina Barbie Forteza at Ruru Madrid, tinutukan sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

By Aedrianne Acar
Published November 28, 2018 3:13 PM PHT
Updated November 28, 2018 3:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PHIVOLCS logs 400 back-to-back earthquakes in Kalamansig, Sultan Kudarat
Over 150 cellphones stolen during Sinulog fest recovered
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News



Pinatunayan nina Barbie Forteza at Ruru Madrid na walang tatalo sa tambalan nila tuwing Linggo sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko.'

Pinatunayan nina Barbie Forteza at Ruru Madrid na walang tatalo sa tambalan nila tuwing Linggo sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Mula nang magsimula ang kuwento ni Lola Goreng na 'Okay Ka, Genie Ko,' hindi bumitaw ang mga manonood at tuloy-tuloy ang panalo sa ratings ng Kapuso weekly-magical anthology laban sa katapat nitong programa sa buong buwan ng Nobyembre.

Matatandaan na marami ring Kapuso ang kinilig sa team-up ng dalawa matapos silang bumida sa high-rating primetime series na Inday Will Always Love You.

Daig Kayo Ng Lola Ko: Ang hiling na bubuhay kay Genie Lyn

Kaya naman gagawing extra special ng Daig Kayo Ng Lola Ko ang susunod na magical story na pamaskong handog ng show sa loyal viewers nito.

Bibida sa susunod na kuwento ni Lola Goreng ang nag-iisang Pambansang Bae Alden Richards.

Makakasama rin niya sa four-part series na ito ang GMA Artist Center talents na sina Dave Bornea, Yasser Marta at Nar Cabico.

Tutukan tuwing Linggo ng gabi ang magagandang kuwento na tiyak na kapupulutan ng aral ng mga bata sa Daig Kayo Ng Lola Ko pagkatapos ng Amazing Earth sa Sunday Grande sa gabi.