GMA Logo
What's on TV

EXCLUSIVE: Chlaui Malayao at David Remo, ikinagalak ang pagbabalik ni Gloria Romero

By Aedrianne Acar
Published January 13, 2020 11:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 5, 2025
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year
Yacht catches fire; damage hits P900,000

Article Inside Page


Showbiz News



Ano ang masasabi ng mga co-stars ni Gloria Romero sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko' sa kanyang pagbabalik?

Kung mayroong labis na natuwa sa pagbabalik ng showbiz veteran na si Gloria Romero sa telebisyon, ito ay walang iba kundi ang mga gumanagap na apo niya sa Kapuso series na Daig Kayo Ng Lola Ko (DKNLK).

Personal na pinuntahan ng GMANetwork.com ang taping ng weekly-magical anthology kamakailan na ginanap sa mismong bahay ni Ms. Gloria sa New Manila, Quezon City.

Sa panayam sa child stars na sina Chlaui Malayao at David Remo, ibinahagi nila na sobra nilang na-miss ang veteran actress noong sandali siyang nagpahinga sa show.

Kuwento ni Chlaui, "Opo! Kasi po lagi po siya 'yung kasama po namin dito. Siyempre po nasanay po kami na siya po 'yung nakikita po namin. At saka masaya po kami na medyo okay na po 'yung pakiramdam niya."

Isa din daw sa hinahanap-hanap ni Chlaui ay pagiging pala-kuwento daw ni Ms. Gloria.

"'Pag sa set po kami, nagku-kuwentuhan din po kami bago mag-start 'yung taping po namin. At saka po nagku-kuwento po siya ng buhay niya po dati."


Dagdag naman ni David, enjoy daw sa set kapag kasama ang kanilang Lola Goreng.

Aniya, "Before po siya nawala lagi po nag-e-enjoy lang sa set bago mag-i-start. Tapos 'pag mag-start na po, serious na po. Nung nawala po siya, na-miss po namin siya."


Last year, sunod-sunod din ang paghakot ng Daig Kayo Ng Lola Ko ng major awards.

Bukod sa nakakuha ito ng Anak TV Seal, itinanhal din ang Daig Kayo Ng Lola Ko bilang Best Horror/Fantasy program sa 33rd PMPC Star Awards for Television.

David Remo ecstatic over 'Daig Kayo Ng Lola Ko''s big win at 33rd PMPC Star Awards for Television

Nakakatuwa daw, ayon kay Chalui, na malaman na maraming kumikilala at sumusuporta sa kanilang programa.

"Sobrang saya po kasi marami po ang nasuporta po sa amin at saka nanonood po. Marami silang natutunan po lagi sa mga kuwento ni Lola Goreng."