
Mag-chill lang muna sa inyong mga bahay habang may enhanced community quarantine at hayaan ninyo kaming i-entertain kayo ng isa namang magical adventure na kapupulutan ninyo ng magagandang aral sa Daig Kayo Ng Lola Ko.
LOOK: Behind-the-scenes photos of Maine Mendoza as Laura Patola- recycled
Tiyak tanggal ang lumbay ninyo dahil mapapanood ninyo muli ang high-rating episode na pinagbidahan ng Phenomenal Star Maine Mendoza at Eat Bulaga child wonder na si Baeby Baste..
Tutukan ang back-to-back magical stories ni Lola Goreng ngayong LInggo ng gabi! Kasunod ng kuwento ni Laura Patola ang love story ng enemies-turned-lovers na sina Santi (Dennis Trillo) at Kayla (Barbie Forteza) sa 'Sa Ilalim ng Buwan.'
Huwag papahuli sa star-studded episodes ng number one weekly-magical anthology na Daig Kayo Ng Loka Ko this Sunday night, March 29, 6:55 PM to 7:40 PM and from 7:40 PM to 8:25 PM pagkatapos ng Amazing Earth at bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho.