
Busog ang isip at imahinasyon niyo tuwing Linggo ng gabi, dahil sa magic at moral lessons na hatid ng mga kuwento ng favorite lola on TV na si Lola Goreng (Gloria Romero)!
Panoorin ang first story niya na 'Squad Goals and the Mountain Fairy' kung saan tampok ang mga Kapuso star na sina Shaira Diaz, Kate Valdez, Divine Tetay at Thea Tolentino.
Susundan yan nina Glaiza de Castro at Mikael Daez na bibida sa second magical story ni Lola Goreng na 'Red Mildred and the Wolf.'
Huwag magpatumpik-tumpik this weekend at yayain ang buong family na manood ng exciting stories sa Daig Kayo Ng Lola Ko!
Una ang magical story ng magkakaibigan sa 'Squad Goals and the Mountain Fairy' sa oras na 7:05 P.M at susundan naman ito ng istorya ni 'Red Mildred and the Wolf' sa ganap na 7:45 P.M. sa August 2 pagkatapos ng '24 Oras Weekend,' bago ang 'Kapuso Mo Jessica Soho.'