
Sariwain ang alamat ng Bulkang Mayon sa probinsya ng Albay sa Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Linggo ng gabi, September 19.
Tuklasin ang wagas na pag-ibig na nabuo sa pagitan nina Daragang Magayon (Kris Bernal) at Ulap (Kiko Estrada).
Bibida rin sa naturang episode ang Kapuso drama actor na si Benjamin Alves bilang si Patugo at ang former child star na si Buboy Villar na gaganap bilang si Daks.
Mas magical ang Sunday night n'yo sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa oras na 7:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras Weekend.