
Mas extra special ang Sunday night viewing habit ninyo, dahil mapapanood n'yo na soon ang fresh episodes ng weekly-magical anthology on TV na Daig Kayo Ng Lola Ko.
Naging mabusisi ang paghahanda ng production team na pinagbibidahan ng entertainment icon na si Ms. Gloria Romero, para sumunod sa itinakdang health protocols ng pamahalaan sa gitna ng nararanasan nating pandemya.
Sa exclusive photos na nakuha ng GMANetwork.com, makikita na mapapanood pa rin sa magical story na 'Witch is Which' si Mikee Quintos.
At makakasama din niya dito ang Encantadia co-actor niya na si Kate Valdez.
For more updates and exclusive content sa fresh episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko, please visit GMANetwork.com.
At tutukan ang mga kuwento ni Lola Goreng na punong-puno ng moral lesson tuwing Linggo sa oras na 7:05 P.M. pagkatapos ng 24 Oras Weekend at susundan ng all-original musical competition na The Clash!