
Makikilala n'yo na kids ang pinaka-sweet na tagapagtanggol sa award-winning weekly-magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko!
Matapos mag-portray bilang genie at werewolf si Barbie Forteza, excited siya sa magiging guesting niya sa children's fantasy show this week bilang superheroine sa “Captain Barbie.”
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa Kapuso primetime actress, nagkuwento ito sa experience niya na mag-taping sa programa.
Ayon kay Barbie, hindi siya nailang kahit intense ang fight scenes nila sa “Captain Barbie” story.
Aniya, “Nakakatuwa kasi kumbaga hindi ako naiilang mag-fight scene kahit hindi ako comfortable gawin 'yun, kasi hindi naman ako lagi nagfi-fight scene. Pero, hindi ako nailang, kasi sinusuportahan nila ako and they make me feel comfortable.”
Looking forward din siya tuwing magkakaroon ng guesting sa Daig Kayo Ng Lola Ko, dahil parating kakaiba ang role niya sa magical anthology series.
Dagdag ng award-winning actress, “In all fairness kapag talaga nagi-guest ako sa Daig Kayo Ng Lola Ko it's never ordinary parang laging edgy 'yung character. Kundi ako genie, werewolf, o, ngayon superhero na parang hindi ko ma-imagine na maibibigay sa akin. So, nakakatuwa, I'm always excited kapag ka meron ako Daig Kayo Ng Lola Ko.”
May napansin din si Barbie sa direktor ng Daig Kayo Ng Lola Ko na si Rico Gutierrez, kung papaano niya pinapatakbo ang show.
Bukod daw kasi sa efficient ang taping with Direk Rico, kahit under the new normal, pakiramdam daw ni Barbie na para siyang nasa isang big-budget movie sa tuwing tatapak sa taping ng show.
Paliwanag ni Barbie, “Parang every scene naman kasi mabilis siya, so parang ngayon meron rules na ilang working hours na lang parang hindi pa naman kami umaabot dun.
“Parang laging mas maaga pa rin dun 'yung pack up namin. Considering meron ng mga parang expected delays tulad ng ulan,e, siyempre outdoors 'yung eksena superhero [ako]. So, considering those delays, maaga pa rin kami natatapos.
“Para sa akin kahit na children's show siya parang kapag nasa set ka, as in big time lahat. 'Yung mga DOP [director of photography] magagaling!”
“Tapos si Direk Rico, the way niya he treats Daig Kayo Ng Lola Ko para kang nasa set ng isang big budgeted movie ganyan, kasi talaga 'yung treatment hindi rin talaga basta-basta. Pero mabilis [and] very efficient.”
Abangan ang malupit na action scenes ni Barbie Forteza at Jeric Gonzales sa new story na “Captain Barbie” sa darating na Linggo ng gabi (August 15) sa Daig Kayo Ng Lola Ko, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
Heto ang ilan sa iconic teleserye characters na ginampanan ni Barbie Forteza before sa gallery below.