GMA Logo Pokwang
What's on TV

Pokwang, masaya sa tiwala na ibinigay sa kanya ni Direk Rico Gutierrez

By Aedrianne Acar
Published October 1, 2021 12:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Louvre museum installs security bars on balcony used in October's heist
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang


Gagampanan ng award-winning comedienne na si Pokwang ang role na Sunshine sa kuwento na “It's Not You, It's Me” sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko' sa Linggo, October 3.

Tuwang-tuwa ang multi-awarded comedienne na si Pokwang sa unang sabak niya sa children's fantasy series na Daig Kayo Ng Lola Ko.

Bibida sa buong buwan ng Oktubre si Pokwang sa weekly-magical anthology at makakasama niya sa kuwento na “It's Not You, It's Me” sina Tonton Gutierrez, Shanelle Agustin, Paul Salas, Maey Bautista, at Frances Makil.

Sa panayam sa kanya ng GMANetwork.com ngayong Biyernes ng umaga (October 1) sa virtual media conference, nagkuwento siya sa experience niya working with the show's director Rico Gutierrez.

Saad ni Miss Pokie, “Si Direk Rico [Gutierrez] kasi first-time ko po talaga sa kanya, first-time ko siya naka-trabaho [ang] bagets-bagets!

“Maingat naman talaga sila sa set at saka ganito siya sa set, 'Miss Pokie, [kayang-kaya mo 'yan].' Nakakahiya naman direk masyadong ang laki ng tiwala sa akin kaloka, 'di ba. Pero siyempre humihingi rin ako ng guide sa kanya, baka mamaya hindi okay sa kanya ganito, 'di ba. Sobrang okay na okay si Direk Rico.”

Nagsilbing reunion din nila ni Paul Salas ang guesting sa Daig Kayo Ng Lola Ko na dati niyang naka-trabaho sa fantaserye sa kabilang network.

Bilib ang Kapuso comedy star sa improvement ni Paul. Pagbibida nito sa co-star, “Nakikita ko naman 'yung pag-improve ni Paul at saka guwaping ah! At saka nakikita mo sa isang sulok talagang nag-aaral ng kanyang linya.”

Source itspokwang27 IG



Samantala, ngayong Linggo ng gabi (October 3), makilala ng televiewers sa “It's Not You, It's Me” ang mag-asawang Sunshine (Pokwang) at Homer (Tonton Gutierrez) na tila laging magkaaway.

Ayon kay Pokwang, hangad na maituro ng episode nila ang kahalagahan ng komunikasyon sa mag-asawa.

Paliwanag niya, “Makikita natin kahalagahan ng komunikasyon, 'yung lawak po ng pang-unawa na hindi lahat nadadaan sa init ng ulo, na hindi lahat dapat ay pairalin pride. Isipin natin 'yung masasaktan sa paligid natin lalong-lalo na 'yung mga anak natin.”

Heto ang pasilip sa aabangan na eksena sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa Sunday Grande sa Gabi!