
Diretsahan umamin ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio sa idinaos na media conference para sa bagong episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong hapon (November 11) na favorite leading lady niya si Sanya Lopez.
Bibida ang dalawa kasama si Gil Cuerva sa magical story na 'Oh My Oppa' na mapapanood sa Sunday primetime.
Dating nagkatrabaho sina Sanya at Derrick sa soap na The Half Sisters (2014) at sa pelikulang Wild and Free (2018).
Kuwento ng Kapuso actor sa panayam niya kay Nickie Wang, “I love Sanya so much! 'Pag tinatanong ako sa mga interviews kung sino 'yung pinakamabait na artista [or] kung sino pinaka favorite ko na leading lady, sinabi ko talaga si Sanya.”
Dagdag niya, “Yun talaga 'yung totoo kasi, sobrang down to earth si Sanya, sobrang galing na artista, sobrang professional.”
“Kahit natatapakan, hindi yan nagsasalita ganun siya ka-professional and I respect her and I admire her. And working with Sanya is always a pleasure.”
Source: GMA Network
Gumaganap naman si Sanya bilang hotel manager na si Grace sa Oh My Oppa, kung saan bibili siya ng isang robot oppa para magpanggap na kanyang boyfriend.
Ayon sa First Lady star na ibang klase ang saya na naibibigay sa kanya ng mga ganitong project na light at romcom ang atake.
Paliwanag ni Sanya sa GMANetwork.com, “Kasi 'pag ganito na light lang sobrang sarap lang sa pakiramdam, kasi parang may moment na hindi ka nagta-trabaho, although nagta-trabaho [ka]. At nae-enjoy mo lang siya at the same time nakakapagbigay ka ng saya sa lahat. I mean, hindi nali-limit 'yung mga bagay na napapasaya mo.”
“For example, sa mga kids puwede, sa mga lolo, lola, daddy at mommy. Puwede siya sa lahat, so walang pinipili itong mga palabas na 'to, kaya nae-enjoy ko rin talaga siya.” sambit ng aktres.
Samantala, naruto ang ilan sa iconic roles ni Sanya Lopez sa gallery below.
Embed:
Huwag palagpasin ang 'Oh My Oppa' ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa Sunday Grande sa Gabi, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.