GMA Logo Will Ashley
Source: GMA Network
What's on TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: Will Ashley, bibida bilang si Pao Pasaway

By Aedrianne Acar
Published March 7, 2022 3:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cloudy skies, rain over parts of PH on first day of 2026 — PAGASA
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley


Yayain ang buong pamilya at manood ng all-new magical story sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko' ngayong March 13!

Ingat ang mga pasaway this Sunday night dahil baka matulad sila kay Pao (Will Ashley) sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Excited tumira sa probinsya si Pao at makita ang kanyang pinsan na si Bugoy (Jeremy Sabido) na matalik niyang kaibigan simula pagkabata.

Pero itong si Pao, 'di tulad ni Bugoy na may pagka-thrill seeker. Ito ang nagiging dahilan para kagalitan si Pao dahil nagiging pasaway na ito.

Ang ugali ba na ito ni Pao ang magpapamahak sa kanya lalo na at makakadaupang-palad niya ang kinakatakutan na si Aling Vicky (Candy Pangilinan)?

Isang kuwento na naman ang kapupulutan n'yo ng aral this week, kung saan bibida rin sa all-new story na Pao Pasaway sina Hailey Mendes, Rochelle Barrameda, Sharmaine Arnaiz, at Jojit Lorenzo.

Dito lang yan sa Sunday night viewing habit n'yo na Daig Kayo Ng Lola Ko sa March 13, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.