
Bukod kay Little Red Riding Hood, may bagong biktima sa real world si Big Bad Wolf (Andre Paras).
Kailangan magtulungan sina Rumpelstiltskin (Jo Berry), Evil Queen (Rufa Mae Quinto), at Sea Witch (Cai Cortez) para iligtas sina Princess (Lime Aranya) at Lola Caring (Beverly Salviejo) mula sa kamay ng kapwa nila kontrabida na si Big Bad Wolf.
Ano kaya ang magiging kapalit para hindi kainin ni Big Bad Wolf ang kaniyang dalawang biktima?
At bakit ganoon na lang katindi ang galit ni Big Bad Wolf sa mga tao tulad nina Princess?
Tuloy ang magic na hatid sa part-three ng 'Bida Kontrabida' story na handog ng Daig Kayo Ng Lola Ko para sa month-long anniversary presentation nila ngayong Hulyo!
Tutukan ang mangyayari this coming July 24 sa Sunday Grande sa gabi, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.