GMA Logo Carla Abellana in Daig Kayo Ng Lola Ko
What's on TV

Carla Abellana, aminadong big fan ng zombie genre

By Aedrianne Acar
Published November 5, 2022 1:33 PM PHT
Updated November 5, 2022 1:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana in Daig Kayo Ng Lola Ko


Sasabak sa action scenes ang Kapuso primetime actress na si Carla Abellana bilang Lorraine sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko: Game Over.'

Perfect timing para sa Kapuso primetime actress na si Carla Abellana nang dumating ang offer na gampanan ang role bilang Lorraine sa Daig Kayo Ng Lola Ko: Game Over.

Makakasama niya sa comeback episode ng award-winning children's fantasy series ang Sparkle talents na sina Althea Ablan, Cassy Legaspi, Will Ashley, Matt Lozano, at Luis Hontiveros.

May temang tungkol sa mobile games at zombies ang next story na ito ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Sa panayam kay Carla ng 24 Oras, sinabi nito na agad na napukaw ang atensyon niya nang malaman niyang may elements ng zombies ang "Game Over" na episode.

Aniya, “Sobrang na-excite ako, kasi sa wakas nung nabasa ko pa lang 'yung word na “zombie” or 'yung term na zombies, sobrang na-excite na ako kasi napakalaking fan ko po ng horror. Marami po nakakaalam nun.”

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

Samantala, sobra naman naka-relate sina Will at Luis, dahil aminado ang mga ito na past time nila ang paglalaro ng mobile games.

Kuwento ni Will Ashley sa 24 Oras, “Medyo tinatamaan po ako kasi addict ako sa games talaga.”

Sinegundahan naman ito ni Luis at sinabing, “Kami ni Will, magkasama kami sa standby area pagka-naka-tengga kami 'yan ang pinag-uusapan namin ni Will.”

Mapapanood ang new episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko simula bukas, 7 p.m. sa Sunday Grande sa gabi.

Samantala, heto aman ang kuwento ng kababalaghan ni Carla Abellana na naranasan niya sa bahay ng kaniyang lola sa Kapuso Showbiz News.