GMA Logo Daig Kayo Ng Lola Ko
What's on TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: Finding Iya

By Aedrianne Acar
Published December 27, 2022 10:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu welcomes Christmas Day peacefully
Britain’s King Charles lauds unity in diversity in his Christmas message
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Daig Kayo Ng Lola Ko


Anak ni Paul (Gabby Concepcion), nawawala! Tutukan ang mangyayari sa pagpapatuloy ng "All By My Elf" sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko,' ngayong January 1 na 'yan!

May matinding problema na haharapin ang ulirang tatay na si Paul (Gabby Concepcion) sa next episode ng 'All By My Elf' sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa unang araw ng 2023.

Aalis si Iya (Kimshie Anonuevo) sa tahanan ng kaniyang mommy, para pumunta sa bahay ng kaniyang ama. Ayaw kasi nito pumunta sa U.S. kasama ang nanay niya na si Lisa (Lara Quigaman) at si Dave (Marx Topacio)

Magtutulungan naman si Paul at si Honey (Sanya Lopez) para hanapin ang bata.

Sa tulong ng elf powers ni Honey matutunton nila si Iya na inaaruga ng isang palaboy.

Kahit natagpuan na nila ang bata, nanatili pa rin ang suliranin ni Paul. Paano kaya niya makukumbinsi ang dating asawa na huwag ilayo si Iya?

Maka-isip na kaya ng paraan si Honey para manatiling merry ang Pasko ng mag-ama?

Bongga ang pagsalubong n'yo sa Bagong Taon kung manonood ng part-three ng 'All By My Elf' sa Daig Kayo Ng Lola Ko, ngayong January 1 sa oras na 7:00 p.m..

HERE ARE MORE SWEET MOMENTS OF SANYA LOPEZ AND GABBY CONCEPCION HERE: