GMA Logo daig kayo ng lola ko
What's on TV

Daig Kayo Ng Lola Ko: MavLine, bibida sa 'Sana All (May Love Life)'

By Aedrianne Acar
Published March 13, 2025 5:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino says holidays have been 'heartbreaking': 'Kakayanin ko pa ba?'
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

daig kayo ng lola ko


Tandem nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi, tampok sa multi-episode story ng award-winning show na 'Daig Kayo Ng Lola Ko'

How to mend a broken heart? Kaya ba ng isang kupido?

Maghahatid ng kilig ang Sparklel stars na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa all-new magical story ng Daig Kayo Ng Lola Ko na “Sana All (May Love Life) simula ngayong Linggo ng gabi.

May misyon ang dashing cupid na si Kurt (Mavy Legaspi) para mapawi ang nasaktan puso ng pretty baker na si Ida (Kyline Alcantara), matapos makipag-break sa kaniya ang boyfriend na si Josh (Prince Clemente).

Ang hindi alam ni Ida, kasalanan ng kupido ang lahat nang magkamali ito na i-match ang ex-boyfriend sa iba.

Ano ang mangyayari kapag nalaman ni Ida na si Kurt ang may dahilan ng kaniyang breakup?

Makakasama ng MavLine sa Sana All ang comedy superstars na sina Manilyn Reynes at Smokey Manaloto.

Bibida rin sa bagong kuwento ng Daig Kayo Ng Lola Ko sina Maey Bautista, Vince Crisostomo, Seb Pajarillo, Rain Matienzo, at Daddy's Gurl hottie na si Prince Clemente.

Ang “Sana All (May Love Life)” ay kuwento mula sa head writer na sina Agnes Gagelonia-Uligan at mga episode writers na sina Renei Patricia Palma at Patrick Louie Ilagan.

I-enjoy ang magical moments sa Daig Kayo Ng Lola Ko sa Sabado Star Power, pagkatapos ng Magpakailanman sa oras na 9:30 p.m.