GMA Logo Daig Kayo Ng Lola Ko Lady and Luke episode
Source: Twitter Philippines and GMA Network
What's on TV

'Daig Kayo Ng Lola Ko' episode starring Barbie Forteza and David Licauco trends on Twitter PH

By Aedrianne Acar
Published March 13, 2023 1:45 PM PHT
Updated March 14, 2023 10:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Babaeng suwerte sa raffle, umabot na raw sa P1-M ang halaga ng mga napanalunan
Isa ka hinuptanan nga karabaw, nasapwan nga nakabitay sa Ibajay, Aklan | One Western Visayas
Sparkle artists, bibida sa GMA Radio 'Higanteng Pasasalamat' event

Article Inside Page


Showbiz News

Daig Kayo Ng Lola Ko Lady and Luke episode


Ano-ano ang favorite moments n'yo kagabi sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko'?

Hindi pa rin padadaig ang FiLay loveteam matapos tutukan ng viewers ang kanilang much-awaited comeback sa well-loved children's fantasy series na Daig Kayo Ng Lola Ko.

Bumida sina Barbie Forteza at David Licauco bilang Lady at Luke sa bagong story ng award-winning weekly-magical anthology na dinirehe ni Rico Gutierrez.

Sa katunayan, nag-trend ang hashtags na “DaigCursedLady” at “BarDa ON DKNLK” sa Twitter Philippines.

Agad namang nagpaabot ng pasasalamat ang Kapuso Primetime Princess sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa pagsasama nila uli ng Pambansang Ginoo.

"Aba! Grabe talaga kayo! Good morning nga talaga sa akin dito. Maraming salamat po!!!"

Samantala, sa livestream para sa new episode kagabi ng Daig Kayo Ng Lola Ko, nagpahayag ng paghanga sina Zonia Mejia at Vince Maristela kay Barbie.

Gumanap si Zonia bilang Sabrina sa "Lady & Luke" story at si Vince naman ay si Atom.

Ayon kay Zonia, wala raw 'di kayang gawin ang tulad ni Barbie.

Lahad niya sa pagiging versatile ng Sparkle prime actress, “Lagi ko nakaka-eksena si Ate Barbie. May time na magkasama kami sa isang tent. Tapos nagtatanong ako kung ano ginagawa niya. Ano 'yung nakakapagpa-push sa kanya para mas gumaling siyang aktres, kasi sobrang bilib ako sa kanya. Abangan n'yo kasi may mga eksena kaming emotional. So grabe siya umiyak.”

“And kayang kaya niya magpatawa, magalit. Lahat ata kaya niya.”

Sinegundahan naman ito ng Sparakada hottie na si Vince at sinabing “Since first-time ko maka-work si Ate Barbie and si Kuya Luke [David Licauco], ang na-realize ko is iba kung paano niya atakihin 'yung eksena. 'Yun 'yung pinakanapulot ko dun sa show na 'yun, 'yung mga natutunan ko and first time ko nga makipag-work sa ibang tao, kasi dati sa Luv Is lang ako.

“Hindi predictable 'yung eksena for me. Minsan nga 'yung ginagawa ni Ate Barbie wala sa script e, nakakatuwa.”

Sundan ang mangyayari sa part-two ng Daig Kayo Ng Lola Ko: Lady & Luke episode ngayong March 19 sa Sunday Grande sa Gabi bago ang Happy ToGetHer.

SWEET MOMENTS NG FILAY SA DAIG KAYO NG LOLA KO: