'Dear Uge Presents' Sneak Peek: Jing, Ang Bato (Part 2)

Mas natsa-challenge si Jing (Eugene Domingo) na ikontrol ang kanyang mood nang magtuloy-tuloy ang pagsusungit ng kanyang landlord na si Julio (Richard Yap), isang handsome widower.
Kaya naman nang magising sila sa iisang kama, naging rocky ang relationship nila sa isa't isa dahil hinala ni Jing ay may ginawang masama si Julio sa kanya.
Dahil dito, ikinuwento ni Julio na siya pala ay isang sleepwalker.
Nang malaman ito ni Jing, mas naging understanding siya sa sitwasyon ni Julio at mas naging caring sa kanya.
Kasabay pa nyan ang pagkuwento ni PJ (Paul Salas) kay Jing tungkol kay Julio, na isang mapagmahal na ama noon.
Napaisip tuloy si Jing ng isang pakulo para ma-rekindle ang relationship ng dalawa. Mag-succeed kaya si Jing sa plano niya?
Tunghayan ang mga magaganap sa second part ng “Jing, Ang Bato” sa Dear Uge Presents sa gallery na ito.





