'Dear Uge Presents' Sneak Peek: Only Cielo Touches My Face (Part 2)

Nang matuklasan ni Dra. Cielo [Eugene Domingo] ang pambababae ng kanyang asawa na si Angelo [Wendell Ramos], napaisip siya kung paano makakaganti dito.
Nakuha niya ang kanyang chance nang naaksidente ang kabit ni Angelo na si “Honey,” at siya ang naatasang i-reconstruct ang mukha nito.
From beauty naging ghastly ang mukha nito! At dahil diyan nasira ang perfect relationship nina Cielo at Angelo at pati na rin ang reputation ng doktora sa kanyang clients.
Magawan kaya ng paraan ni Cielo na ayusin ang kanyang ginawa?
Tunghayan ang kuwentuwaang iyan sa Dear Uge Presents: Only Cielo Touches My Face (Part 2) sa gallery na ito:






