'Dear Uge' Sneak Peek: Royce Cabrera, guilty bilang community panthief?

Isang comedy-mistery ang pagbibidahan nina Rochelle Pangilinan sa fresh episode ng 'Dear Uge' na pinamagatang 'Community Panthief.'
Ipinagkatiwala kay Victoria (Rochelle) ng kanyang mga magulang ang dormitoryong Adorm. Alagang-alaga siya rito ngunit sa pagbisita ng kanyang kapatid na si Don (Royce) ay magsisimula ang isang kababalaghan: Isa-isang nawawala ang underwear ng kanyang tenants!
Magsasagawa si Victoria ng isang imbestigasyon. Magtuturuan ang tenants at pagsususpetsahan nila ang isa't isa. Lalala rin ang pagtatalo sa pagitan nina Victoria at Don.
Guilty nga ba si Don sa pagiging “community panthief?”
Samantala, may natatanging guest si Uge upang magbigay ng kanyang opinyon tungkol sa misteryong ito.
Silipin dito ang ilang tagpo ng 'Community Panthief' na mapapanood sa 'Dear Uge' ngayong Linggo, June 6.







