'Dear Uge' sneak peek: Rhian Ramos, mato-trauma dahil sa marriage proposal ni Paolo Contis sa 'Deadz Ako Sa 'Yo'

GMA Logo rhian ramos and paolo contis in dear uge

Photo Inside Page


Photos

rhian ramos and paolo contis in dear uge



This Sunday (September 19, 2021), riot sa katatawanan ang kuwento tungkol sa pag-ibig sa bagong episode ng 'Dear Uge' na pinamagatang "Deadz Ako Sa 'Yo."



Tampok dito si Rhian Ramos na gaganap sa papel na Aloha.

May trauma sa marriage proposals si Aloha dahil tatlo sa kanyang boyfriends ay namatay matapos alukin siyang magpakasal.

Paniniwala niya tuloy, sumpa ang marriage proposals kaya naman nagbago ang pananaw niya sa pakikipag-relasyon.

Mas pipiliin niya ang mga lalaking hindi naniniwala sa kasal gaya na lang ng tattooed rocker na si Tats (Paolo Contis).

Tingin ni Aloha kay Tats, iresponsable at walang planong magpakasal. Pero paano na lang kung si Tats ay loving, honest, at loyal sa kanya?

Seryosohin niya kaya ito? At paano na lang kung lumuhod na ito sa kanyang harap habang may hawak na singsing?

'Yan ang dapat abangan sa all-new episode ng 'Dear Uge' this Sunday kasama si Eugene Domingo bilang Mary Juana Habpan.

Pero bago 'yan, narito ang pasilip sa ilang tagpo sa "Deadz Ako Sa 'Yo:"


Rhian Ramos
Paolo Contis
Attention
Playtime
Proposal
Death
Mary Juana Habpan
Deadz Ako Sa 'Yo

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo