'Dear Uge' sneak peek: Andrea Torres, lucky charm ang kanyang 'Labing-isang daliri'

This Sunday (September 26, 2021), riot na katatawanan ang kuwento tungkol sa suwerte ang mapapanood sa bagong episode ng 'Dear Uge' na pinamagatang "Labing-isang daliri."
Tampok dito si Andrea Torres na gaganap sa papel na Pining.
Successful woman si Pining--may parlor business, may magandang bahay, at may isang mapagmahal na boyfriend.
Ang lahat ng ito ay inuugnay niya sa kanyang extra finger na pinaniniwalaan niyang nagdadala ng suwerte sa kanyang buhay.
Pero paano na lang kung ang ikalabing-isa niyang daliri ay maputol matapos maipit sa pinto ng kotse?
Maniwala pa kaya siya sa luck? Or worse, ikonekta niya kaya ang aksidente sa mga kamalasan na dumarating sa buhay niya?
'Yan ang dapat abangan sa all-new episode ng 'Dear Uge' this Sunday kasama si Eugene Domingo bilang Peng Chiu.
Pero bago 'yan, narito ang pasilip sa ilang tagpo sa "Labing-isang daliri:"







