'Dear Uge' sneak peek: Rafael Rosell and Pauline Mendoza as Tinola and Pinakbeth in 'What's My Name?'

This Sunday (October 3, 2021), riot na katatawanan at kapupulutan ng aral ang kuwento tungkol sa pagpapalit ng pangalan ang mapapanood sa bagong episode ng 'Dear Uge' na pinamagatang "What's My Name?".
Tampok dito sina Rafael Rosell and Pauline Mendoza na gaganap sa papel na magkapatid.
Biniyayaan ng looks ang magkakapatid pero pagdating sa kanilang mga pangalan, tiyak na ikaw ay hahagalpak sa tawa. Paano naman kasi, bininyagan silang Tinola at Pinakbeth dahil pinaglihi sila sa ulam ng kanilang ina.
Tampulan ng katatawanan ang pangalan ng Cruz siblings kaya nagdesisyon silang palitan ang kanilang pangalan legally.
Sa kasamaang palad, hindi maganda ang kahihinatnan ng kanilang new identity!
Maibalik pa kaya nila ang kanilang mga totoong pangalan o hayaan na lang nilang habulin sila ng otoridad sa kasalanang hindi naman nila ginawa?
'Yan ang dapat abangan sa all-new episode ng 'Dear Uge' this Sunday kasama si Eugene Domingo bilang Ligaya Paraiso.
Pero bago 'yan, narito ang pasilip sa ilang tagpo sa "What's My Name?":






