'Dear Uge' sneak peek: Jamir Zabarte as 'Ampon ng Kadiliman'

This Sunday (October 10, 2021), riot na katatawanan at kapupulutan ng aral ang kuwentong mapapanood sa bagong episode ng 'Dear Uge' na pinamagatang "Ampon ng Kadiliman."
Tampok dito si Jamir Zabarte, na gaganap sa papel na Amante.
Happy-go-lucky si Amante. Lumaki siya sa isang ampunan. May pagkapilyo ang binata dahil kulang sa pagmamahal ng isang magulang.
Kaya naman magugulat siya nang may gustong umampon sa kanya--si Madame Hussein (Maureen Larrazabal).
Pabor kay Madame Hussein ang pagiging pasaway ni Amante. Gustung-gusto pa niya ito kapag ito ay gumagawa ng masama.
Mananatili na lang bang magaspang ang ugali ni Amante habang nasa poder ni Madame Hussein?
Pero paano kung may isang taong willing magpabago sa kanya gaya ng neighbor niyang si Angelica (Zonia Mejia)?
'Yan ang dapat abangan sa all-new episode ng 'Dear Uge' this Sunday kasama si Eugene Domingo. Pero bago 'yan, narito ang pasilip sa ilang tagpo sa "Ampon ng Kadiliman."








