'Dear Uge' sneak peek: Cai Cortez and Kim Rodriguez rival over Luke Conde in 'Ganda Ka, Te'

Love comes in all shapes and sizes, ika nga.
Tunay nga namang hindi nagma-matter sa pag-ibig ang pisikal na kaanyuan ng tao.
Ganyan ang love story ng smart flabby engineer na si Tabby (Cai Cortez) at doktor na si Sam (Luke Conde) na mapapanood this Sunday (October 17, 2021) sa bagong episode ng 'Dear Uge' na pinamagatang "Ganda Ka, Te."
Masusubok ang kanilang pagmamahalan dahil involved ang sister ni Tabby na si Betty (Kim Rodriguez). Unlike Tabby, sexy and attractive si Betty. Never pa na in-love si Tabby at fresh from break-up naman si Betty.
Makikilala ni Betty ang doctor neighbor nilang si Sam na nakikita niyang perfect rebound. Pero si Sam, iba pala ang type at ito ang flabby sister niyang si Tabby! Hindi tuloy makapaniwala si Tabby na may magkaka-interes sa kanya.
Masira kaya ang relasyon ng magkapatid? O may magparaya kaya sa kanila? At ano kaya ang say ng tatay nilang si Joe (Dennis Padilla) sa away ng kanyang mga anak?
'Yan ang dapat abangan sa 'Dear Uge' ngayong Linggo. Pero bago 'yan, narito ang pasilip sa ilang eksena sa "Ganda Ka, Te."








