'Dear Uge' sneak peek: EA Guzman, may sikretong tinatago kay Lexi Gonzales sa 'Macho Dancer Daw Ako?'

This Sunday (October 31, 2021), may bagong exciting na kuwento na namang mapapanood sa GMA weekly sitcom na 'Dear Uge' na pinamagatang "Macho Dancer Daw Ako?"
Tampok dito sina EA Guzman bilang Adam at Lucho Ayala bilang Daniel.
Mag-best friends sila kaya hanggang sa trabaho ay magkasama sila--hindi sa oipisina, kundi sa night club.
Macho dancer kasi sina Adam at Daniel at dahil advanced na ang technology, may kakayahan silang magtrabaho gamit ang laptop at webcam.
Kung tutuusin, wala namang masama sa kanilang trabaho pero si Adam, hindi pa handa sa kung ano ang sasabihin ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang kapatid na si Rebecca--gagampanan ni Lexi Gonzales.
Pero paano kung mag-surprise visit si Rebecca sa bahay ni Adam dahil kailangan nito ng matutuluyan?
Maitago kaya ni Adam at kaibigang niyang si Daniel ang kanilang "home-based" job?
Alamin 'yan sa bagong episode ng 'Dear Uge' na pinamagatang "Macho Dancer Daw Ako?' ngayong Linggo, kasama si Eugene Domingo bilang Kerrie Kinembot.
Pero bago 'yan, narito ang ilang pasilip sa episode:






