'Dear Uge' sneak peek: Sunshine Guimary at Pekto Nacua, mag-asawa sa 'Knife Life'

May bagong exciting na kuwentong mapapanood sa GMA weekly sitcom na 'Dear Uge' na pinamagatang 'Knife Life' ngayong Linggo, December 12.
Tampok dito sina Sunshine Guimary at Pekto Nacua, na gaganap bilang mag-asawang sina Jesette at Vic.
Dahil sa recession, nawalan ng trabaho si Vic kaya magdedesisyon siyang maging househusband sa kanyang charming, sexy, at magandang misis na si Jesette.
Bukod sa jobless, lalong magiging insecure si Vic nang malaman niyang may komunikasyon ang asawa niya sa mayamang ex nito na si Jonas (Rob Sy).
Mapipilitan tuloy siyang humanap ng trabaho para ma-boost muli ang kanyang confidence.
Makatulong kaya ang new job ni Vic para makuha muli ang loob ni Jesette o maging sanhi pa ito para kamuhian siya ng asawa?
'Yan ang dapat abangan sa 'Dear Uge' ngayong Linggo. Pero bago 'yan, narito ang ilang pasilip sa episode:







