What's on TV

Eunice Lagusad, na-in love sa isang Amerikano?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 30, 2017 5:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rains, cloudy skies expected across PH
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News



Pakatutukan ang kuwentuwaang pinamagatang ‘Maging Chaka Ka Man’ sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology na Dear Uge. Nood na ngayong Linggo, June 4, pagkatapos ng Sunday PinaSaya! 

 

 

Ang maghangad ng forever sa isang Amerikano. Ganyan si Charity alyas Bilog, ang karakter na gagampanan ni Eunice Lagusad sa kuwentuwaan ng Dear Uge ngayong Linggo, June 4.

Naiiba si Bilog sa kapwa yaya na BFFs niya na sina Shemay (Sheena Halili) at Crising (Marika Sasaki). Bukod sa siya lang ang kinulang sa ganda, malas din ang love life niya.  

Pero, nakakita ng pag-asa si Bilog nang maka-chat niya online si Bradley, isang gwapong Amerikano na ma-i-in love sa kanya. Ang problema nga lang, litrato ni Shemay ang pinakita niya rito kaya todo panggap si Shemay nang bumisita sa Pilipinas si Bradley.

Mauunsyami na ba talaga si Bilog sa paghanap ng kanyang forever? 

Pakatutukan ang kuwentuwaang pinamagatang ‘Maging Chaka Ka Man’ sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology na Dear Uge. Nood na ngayong Linggo, June 4, pagkatapos ng Sunday PinaSaya!