
BFF as in Best Frenemies Forever sina Lovi Poe at Max Collins sa kuwentuwaang kanilang pagbibidahan sa Dear Uge ngayong Linggo, June 11.
#BFFgoals ang relationship nina Angela at Shara. Parang magkapatid na kasi sila at hindi mapaghiwalay. Mula sa apartment hanggang sa trabaho ay magkasama sila.
Kahit sino mang lalaki ay wala raw makakasira ng pagkakaibigan nila. May friendship vow kasi sina Angela at Shara na hindi sila magkakagusto sa iisang lalaki. Pero, magbabago ang lahat sa pag-eksena ni Brandon, ang bagong manager sa kanilang opisina.
Bibigay si Shara sa charms ni Brandon. Ikagagalit ito ng husto ni Angela dahil paglabag ito sa kasunduan nila. Kaya naman, susubukan niyang mapalapit kay Brandon para makaganti kay Shara.
Patuloy ang pag-iinisan ng dalawa hanggang sa aminin nilang pareho silang may gusto kay Brandon. Pipiliin kaya nila ang love over friendship?
Huwag itong palampasin ngayong Linggo, June 11, sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology na Dear Uge!