What's on TV

Thea Tolentino at Ashley Rivera, magiging magkaribal?

By Cherry Sun
Published April 24, 2018 11:58 AM PHT
Updated April 24, 2018 2:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NAPC seeks bigger workforce to roll out 2026 programs
Lake Holon to close temporarily starting January 3, 2026
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan sina Thea Tolentino bilang Amy at Ashley Rivera bilang Cindy sa kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong Linggo, April 29.

Magiging magkaribal sina Thea Tolentino bilang Amy at Ashley Rivera bilang Cindy sa kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong Linggo, April 29.

Bilang kanyang pangako, sinalo ni Amy ang pagma-manage ng inn matapos pumanaw ang kanyang mga magulang. Katuwang niya rito ang kanyang pinsang si Cindy. Pero, magbabago ang lahat ng makilala at magpakasal si Cindy kay Bob.

Bibilhin nina Bob at Cindy ang hotel sa tapat ng inn ni Amy, at magiging business rivals sila. Dahil dito, kakalat ang maraming tsismis at magsisimula ang selosan at awayan sa pagitan ng magpinsan.

Manaig pa rin kaya ang katagang “family first” kina Amy at Cindy? Alamin ang magiging takbo ng kanilang kuwentuwaan sa Dear Uge ngayong Linggo, April 29.