
Kilig knows no age limit.
Ganyan ang mensahe ng kuwentuwaang pagbibidahan nina Nova Villa, Buboy Garovillo at Pen Medina sa Dear Uge ngayong Linggo, February 3.
Naghahanda sina Edna (Nova), Donald (Buboy), at Robert (Pen) sa kanilang high school homecoming reunion.
Biyuda na si Edna, hiwalay sa asawa si Donald, at biyudo naman si Robert. At sa kanilang muling pagkikita, mauungkat ang love triangle story nila.
Best friends sina Donald at Robert pero pareho silang na-in love kay Edna.
Nagparaya si Donald pero masyadong mahiyain si Robert para ipagtapat ang nararamdaman niya para kay Edna.
Sa huli, naka-graduate na sila hanggang nagkaroon ng sari-sariling pamilya na hindi nalaman ni Edna ang nararamdaman ng dalawa para sa kanya.
Magkaroon pa kaya sina Donald at Robert ng second chance para umamin kay Edna?
Alamin ang kahahantungan ng kanilang love story sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge ngayong Linggo, February 3.