
Mahigit isang linggo na lang, Mother's Day na.
Kaya naman sa naganap na photo shoot ng Dear Uge, ibinahagi ng main stay cast sa GMANetwork.com ang kanilang natutunan sa kani-kaniyang mga mapagmahal na ina.
Para kay Dave Bornea na gumaganap bilang si “Diego” sa show, ang pagdarasal sa Diyos ang natutunan sa kaniyang ina.
Ayon kay Dave, “I really miss my mom a lot kasi nasa Cebu siya ngayon.
“Ang pinaka hindi ko makakalimutan na advice ng mom ko, whether I'm happy, sad, or excited is to always bring God with me, alam mo yun?
“Sabi niya, wala na kong ibang malalapitan at wala na kong ibang makakausap kung hindi siya. So, 'yun lang. It's worth it and it's effective naman.”
Maliban sa pagdarasal sa Diyos, ang matutong magsumikap para sa sariling pangarap ang natutunan ni Divine Aucina.
Pahayag ni Divine, “Ang nanay ko ay isang ehemplo ng isang resilient at matatag na babae.
“Kaya, natutunan ko sa kanyang tumayo ko sa sariling paa. Natutunan ko sa kanyang magsumikap para makuha mo yung gusto mo kasi madami siyang napagdaanan nung bata siya.
“Hindi ko man nakuha yung dinanaas niya para matututo siya, naibahagi naman niya kung gaano ka-importante ang pagiging masikap.”
Ang importansya ng pagiging independent naman ang natutunan ni Kapuso comedienne sa kaniyang ina noong bata siya.
Pahayag niya, “Magsumikap. Kasi hindi naman kami mayaman, e.
“So my mother, taught me indirectly, to survive and to really try my best to finish my studies and to learn how to support myself. To be mature enough to understand that independence is really important.
You cannot always rely on other people. Kasi ikaw yan, so help yourself and siguro 'yun din 'yung na-experience ko.”