
Isang dream come true para kay comedienne at Dear Uge star Eugene Domingo nang bumisita si Michael V sa tindahan ni Uge para sa isang special episode.
Sa isang special behind-the-scene video, mapapansing excited na excited si Eugene na makasama ang comedy actor.
Maalalalang ibinahagi noon ng aktres na isa si Michael V sa kanyang dream guests sa tindahan.
Aniya, “Si Michael V. Kasi alam kong busy siya, pero kahit dumaan lang siya, masaya na ako.
“Bumili lang ng tinapay o kaya ng kendi, basta dumaan o napadaan lang.”
Bumisita si Bitoy para i-promote ang kanyang nalalapit na pelikulang Family History, kung saan magkakaroon ng special cameo si Eugene.
Subaybayan si Michael V at ang iba pang guest sa Dear Uge tuwing Linggo pagkatapos ng Sunday PinaSaya.
EXCLUSIVE: Eugene Domingo ibinahagi ang kaniyang mga dream guests sa tindahan ni Uge
Eugene Domingo realizes dream of working with Michael V