
Ito ang istorya ni Tom (Wendell Ramos) at ng kanyang biyenan na si Violy (Chanda Romero) na laging magkagalit.
Sa simula, kinamumuhian ni Violy si Tom dahil tingin niya ay may mas deserving pa sa kanyang anak (Mickey Ferriols). Ngunit dahil sa isang hindi pagkakaunawaan, mas tumindi ang galit nito sa manugang.
Dumating din sa punto na iniisip niyang baka bakla si Tom.
Paano kaya nila mareresolba ang kanilang pagkakaiba?
Panoorin ang kuwentuwaang magaganap sa Dear Uge kasama sina Wendell Ramos, Mickey Ferriols, Patricia Ismael, at Chanda Romero ngayong Linggo, June 7, sa GMA.