GMA Logo gelli de belen and candy pangilinan on dear uge
What's on TV

Malaki ang utang ni Candy Pangilinan kay Gelli de Belen sa 'Dear Uge'

By Cara Emmeline Garcia
Published October 9, 2019 6:46 PM PHT
Updated July 6, 2020 1:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

gelli de belen and candy pangilinan on dear uge


Naranasan mo na bang mautangan ng kaibigan mo at hindi ka niya binayaran? Tunghayan ito sa 'Dear Uge' ngayong Linggo, July 12.

Naranasan mo na bang mautangan ng kaibigan mo at hindi ka niya binayaran?

Candy Pangilinan at Gelli de Belen
Candy Pangilinan at Gelli de Belen

Ganyan din ang nangyari kay Angel (Gelli de Belen) nang humiram ang matalik nitong kaibigan na si Tang (Candy Pangilinan) ng pera.

Sa simula, okay lang para kay Angel na utangan siya ngunit napansin niyang wala na atang intensyon ang kanyang kaibigan na bayaran ito.

Mas lumaki ang kanyang duda nang mapansin niya ang katakutakot na pinamili nito sa social media.

Dagdag pa riyan ang tuluy-tuloy na pag-iwas nito kay Angel.

Mababayaran kaya ni Tang ang kanyang utang?

Panoorin ang isa na namang exciting episode sa nag-iisang comedy anthology sa bansa ang Dear Uge kasama sina Gelli de Belen, Candy Pangilinan, Pamela Prinster, at Anjo Damiles ngayong Linggo, July 12, sa GMA!