
Ang love story nina Devine (Divine Aucina) at Diego (Dave Bornea) ay ang epitome ng true love.
Ngunit isang araw, napapansin ni Devine na iniiwasan siya ni Diego.
Ayaw man niyang isipin, pero 'di niya mapigilang magduda kung niloloko lamang siya ng kanyang matipuno at gwapong boyfriend.
Ito ang greatest fear ni Devine: ang iwanan siya sa ere nang hindi nalalaman ang rason kung bakit siya iniwan.
Wala man sa itsura niya, pero nagkaroon na ng ex-boyfriend si Devine na si Elmer (David Licauco) noong nag-aaral siya at iniwan niya ito dahil sa tingin niya ay hindi na sila bagay sa isa't isa.
Divine Aucina at David Licauco sa 'Dear Uge' / Source: Carlo del Prado - Dear Uge
Ano kaya ang mangyayari kung bumisita si Elmer sa Uge Variety Store?
Magkabalikan kaya ang dalawa? Magkaayos kaya sina Devine at Diego?
Alamin ang mga sagot diyan ngayong Linggo, September 6, sa Dear Uge episode na pinamagatang “Ganda Mo 'Teh!” kasama sina David Licauco, Shaira Luna, Divine Aucina, at Dave Bornea.