TV

May tinatagong malaking sikreto si Sanya Lopez sa 'Dear Uge Presents'

By Cara Emmeline Garcia

Sa ikalawang bahagi ng 'Dear Uge Presents: Ang Dalawang Mrs. U,' maraming sikreto ang binunyag nina Stella (Eugene Domingo) at Nelda (Sanya Lopez) sa isa't isa upang mapasakanila ang iniwang mana ni Marco.

Kaya naman naisipan ni Atty. George (Gardo Versoza) na hatiin na lamang ang iniwang pera para matapos na ang gulo.

Dahil naawa rin si Stella sa kanyang karibal, sumangayon siya kay George na hatiin na lamang ito. Ngunit ayaw tanggapin ito ni Nelda dahil gusto niyang matanggap ang kabuuang mana lalo na't nagdadalang tao siya.

Source: Carlo del Prado - Dear Uge

Napilitan tuloy si Stella na isuko ang kanyang karapatan sa mana at ibigay ito kay Nelda ngunit may natagpuan siyang malaking sikretong itinatago nito.

Ano kaya ito? Ano'ng mangyayari sa mana na iniwan sa dalawang Mrs. U?

Panoorin ang ikalawang bahagi ng “Ang Dalawang Mrs. U” kasama sina Eugene Domingo, Sanya Lopez, at Gardo Versoza ngayong Linggo sa GMA!