GMA Logo Rita Daniela and Ken Chan
What's on TV

Rita Daniela at Ken Chan, magpapakilig sa 'Dear Uge' ngayong Linggo

By Cara Emmeline Garcia
Published October 5, 2020 1:17 PM PHT
Updated October 26, 2020 11:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rita Daniela and Ken Chan


Abangan ang pagtatambal nina Rita Daniela at Ken Chan para sa comedy anthology na 'Dear Uge' ngayong Linggo!

Guwapo, masinop sa trabaho, at isang charming networking agent si Isko (Ken Chan).

Rita Daniela at Ken Chan
Rita Daniela at Ken Chan

Kaya lang, isa siyang pathological liar na laging nagsisinungaling para makaakit ng kliyente.

Pero ang biggest lie ni Isko ay ang kanyang pagtago ng kanyang feelings para kay Betty (Rita Daniela), ang kanyang longtime crush.

Nang malaman niyang “in a relationship” na si Betty at ang kaniyang best friend na si Troy (Yasser Marta), 'di niya mapigilan mag-daydream at gumawa ng sarili niyang reality.

Subalit, niloloko lang pala ni Troy si Betty.

Nang malaman ito ni Isko, pilit itong ipinapatago ni Troy.

Dear Uge

Dear Uge

Source: Carlo del Prado Dear Uge

Ano kaya ang mangyayari kung malaman ni Betty na niloloko lang siya ng kaniyang boyfriend? Poprotektahan kaya siya ni Isko?

Alamin ang lahat ng iyan sa nag-iisang comedy anthology sa bansa ang Dear Uge kasama sina Ken Chan, Rita Daniela, at Yasser Marta ngayong Linggo, November 1, sa GMA 7.