GMA Logo Dear Uge
What's on TV

Eugene Domingo, nasa France para sa 'Dear Uge Presents?'

By Cara Emmeline Garcia
Published November 18, 2020 12:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma speeds up, moves over Calbayog City
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores

Article Inside Page


Showbiz News

Dear Uge


Eugene Domingo in Paris? Tingnan ang magaganap na kuwentuwaan ngayong Linggo sa 'Dear Uge Presents.'

Move over Emily in Paris kasi Eugene Domingo is in Paris!

Ngayong Linggo, tampok ang kuwento ni Dessa (Eugene Domingo), isang aspiring immigrant na naghahanap ng better opportunities sa labas ng bansa para suportahan ang kaniyang pamilya.

Dahil dito, nabigyan siya ng once in a lifetime offer na magtrabaho sa Paris bilang isang caregiver. Sa tulong ng kanyang pamilya at kanyang pagpupursigi, handa nang lumipad si Dessa sa City of Love to make all of her dreams come true!

Kaya lang, isang scam lang pala ito kaya naman hindi siya nakalipad sa kanyang destinasyon.

Para hindi mapahiya sa kanyang pamilya, nagsinungaling si Dessa na nakarating na siya sa France at ine-enjoy ang kanyang bagong buhay roon.

Maliban diyan, nakita pa niya ang kanyang long-lost best friend na si Monique (Divine Tetay) para tulungan siyang magsinungaling at makalikom ng pera para ipadala sa kanyang pamilya.

Ang catch? Kailangan niyang magbenta ng fake investment at insurance policy.

Tanggapin kaya ito ni Dessa?

Panoorin ang nakaka-excite na episode na 'yan ngayong Linggo, November 22, sa Dear Uge Presents: My Lover, The Scammer kasama sina Eugene Domingo, Divine Tetay, at Benjie Paras.