
Sa ikalawang bahagi ng Dear Uge Presents: My Lover, The Scammer, matutunghayan si Gab (Benjie Paras) na very heartbroken nang malaman na poser lang pala ang kanyang nililigawan online.
Aniya may gumagamit lang ng litrato ni Maxine para lokohin siya at hingan siya ng pera.
Dahil nasaksihan ito ni Dessa (Eugene Domingo), hindi niya mapigilan na magsabi na lamang ng totoo kay Gab. Ngunit bago pa niya magawa ito ay pinigilan na kaagad siya ni Monique (Divine Tetay).
Pero dahil sa isang pagkakataon, nagawang aminin din ni Dessa kay Gab ang lahat ng nagawa niya.
Paliwanag niya na iyon lamang ang naisip niyang paraan para makapagbigay ng pera sa kaniyang pamilya.
Ngunit para kay Gab, hindi lang naman ito dahil sa pera kundi sa growing relationship nila sa isa't isa.
Mapatawad kaya ni Gab si Dessa sa kasalanang ginawa niya sa kaniya?
Source: Carlo del Prado - Dear Uge
Panoorin ang nakaka-excite na episode na 'yan ngayong Linggo, November 29, sa Dear Uge Presents: My Lover, The Scammer (Part 2) kasama sina Eugene Domingo, Divine Tetay, at Benjie Paras.