
"All life is important, that's why we should appreciate and make it meaningful, especially for the ones we love."
Iyan ang sales pitch ni Alex kapag nagbebenta ng life insurance sa kanyang mga kliyente. Pero kabaliktaran ng kanyang sales pitch, hindi niya binibigyang halaga ang mga taong nakapaligid sa kanya. Selfish at walang respeto si Alex maging sa kanyang mga katrabaho.
Hanggang sa isang trahedya ang babago sa buhay niya na magdudulot sa kanya para ma-comatose.
Masasagasaan si Alex na dahilan na magpapabago sa magaspang niyang ugali at pananaw sa buhay.
Bibigyan siya ng pangalawang pagkakataong mabuhay ngunit sa kanyang paggising, may malaking rebelasyon siyang matutuklasan.
Abangan ang pagganap ni Ruru Madrid bilang Alex sa bagong episode ng Dear Uge na pinamagatang "Coma Period," kasama sina Rodjun Cruz, Archie Alemania, at Jelai Andres.
Tunghayan iyan ngayong Linggo, June 20, 3:45 p.m. pagkatapos ng GMA Blockbusters.