
Ipaglalaban nina Ashley Ortega at Kiray Celis ang kanilang karapatan bilang kasambahay sa fresh episode ng Dear Uge na pinamagatang "Bash The Basher.'
Masipag at masayahing yaya si Pebbles (Ashley). Sa katunayan, maraming naaliw sa kanya sa kanyang online channel.
Sa kabila nito, hindi pala lahat ng kanyang viewers ay natutuwa sa kanya dahil meron siyang nag-iisang basher na nagpakilalang Yaya Basher.
Si Yaya Basher ay walang iba kundi ang pamangkin ng amo ni Yaya Pebbles, si Wacko (Paul Salas).
Hindi maganda ang pakikitungo ni Wacko kay Yaya Pabbles at sa kaibigan nitong si Yaya Genevieve (Kiray), na house helper ng binata.
Mapapagsuspetsahan pa ni Wacko na bina-backstab siya ng dalawa kaya gaganti ang lalaking magaspang ang ugali.
May maganda kaya itong maidudulot? O lalo pang titindi ang hidwaan sa pagitan ni Wacko at nina Yaya Pebbles at Yaya Genevieve?
Paniguradong riot ang katatawanan at kuwentuhang 'yan sa Dear Uge, kasama si Eugene Domingo bilang Yaya Chismosa.
Kaya tutukan 'yan ngayong Linggo, June 27, 3:45 p.m., pagkatapos ng GMA Blockbusters.