What's on TV

Ashley Ortega, pinarusahan si Paul Salas sa 'Dear Uge'

By Jansen Ramos
Published June 29, 2021 6:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WATCH: Fire hits community in Antipolo City
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

dear uge


From 'Yaya Basher,' 'Yaya Lover' na nga ba ang mapanirang si Wacko?

Riot na katatawanan at may kapupulutang aral ang handog ng Dear Uge noong Linggo, June 27!

Sa latest episode nitong pinamagatang 'Bash The Basher,' gumanti ang yaya-vlogger na si Pebbles (Ashley Ortega) sa amo niyang si Wacko (Paul Salas) matapos malamang ang binata ang kanyang basher.

Pinaglaba at pinaglinis ng banyo ni Pebbles si Wacko para turuan ito ng leksyon. Walang choice ang mayabang na lalaki kundi sundin si Pebbles! Takot lang niya kapag kinasuhan siya ng palabang yaya dahil lumabag siya sa Kasambahay Law.

Matapos siraan si Pebbles sa social media, natauhan si Wacko nang malamang mabuting tao si Pebbles.

Kinuwento ng best friend ni Pebbles na si Genevieve (Kiray Celis) na todo-kayod si Pebbles para may mapag-aral ang kanyang mga kapatid.

Humingi naman ng sorry si Wacko sa dalawang kasambahay at nangakong magbabago na.

Patuloy na subaybayan ang kwentuhan sa Dear Uge tuwing Linggo, 3:45 p.m., pagkatapos ng GMA Blockbusters.