
Tampok sina Alex Diaz, Anjo Damiles, at Analyn Barro sa isang nakakalokang love triangle na mapapanood sa fresh episode ng Dear Uge na pinamagatang 'While You Were Forgetting.'
Engaged to be married sina Armand (Alex Diaz) at Vicky (Analyn Barro). Sa bisperas ng kanilang kasal, magkaroon siya ng memory lapses matapos maaksidente.
May mga bagay na hindi maalala si Armand sanhi ng head injury. Ang bad news pa nito, ni hindi niya makilala ang kanyang fiancé.
Ang masaklap pa, nagkaroon ng bagong favorite person si Armand sa katauhan ng kanyang best man na si John (Anjo Damiles), na pinsan ni Vicky, habang siya ay may amnesia.
Ano kaya ang gagawin ni Vicky? Matuloy pa kaya ang kasal nila Armand? O hahayaan na lang niyang maging masaya ang nobyo sa piling ng iba?
Paniguradong riot ang katatawanan at kuwentuhang 'yan sa Dear Uge, kasama si Eugene Domingo.
Kaya tutukan 'yan ngayong Linggo, July 4, 3:45 p.m., pagkatapos ng GMA Blockbusters.