GMA Logo dear uge
What's on TV

Arra San Agustin, secret admirer si Kokoy De Santos sa 'Dear Uge'

By Jansen Ramos
Published July 9, 2021 4:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WATCH: Fire hits community in Antipolo City
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

dear uge


Isang kuwento tungkol sa pangarap na maging legit Korean citizen ang dapat abangan sa fresh episode ng 'Dear Uge' ngayong Linggo!

Gagawin ni Arra San Agustin ang lahat para maging isang ganap na Korean citizen sa fresh episode ng Dear Uge na pinamagatang 'K-Pak Ghorl.

Gaganap si Arra bilang Kim. Kung bibigyan ng award ang K-Pop and K-Drama fans, siya na ang pinakahardcore fan dahil gusto niya ring maging legit na Koreana.

arra san agustin and lianne valentin in dear uge

Photo by Carlo Del Prado

Magagawa niya lamang ito kapag nagpakasal siya sa Korean guy na si Park So Hyun (Hyojong Kim).

Kim knows that there is no love between them, but she is blinded by what she wants to achieve.

arra san agustin and Hyojong Kim in dear uge

Photo by Carlo Del Prado

Unfortunately, may isang lalaking masasaktan sa desisyon ni Kim at ito ay ang corndog vendor na si Pedro (Kokoy De Santos), na kapatid ng best friend niyang si Petra (Lianne Valentin).

To the rescue naman ang tita ni Kim na si Melissa (Candy Pangilinan) para matulungan si Pedro na ipaglaban ang kanyang feelings para kay Kim.

candy pangilinan and kokoy de santos in dear uge

Photo by Carlo Del Prado

Lalakas pa ang kompiyansa ni Pedro nang malaman niya ang sikreto ni Park So Hyun!

kokoy de santos and Hyojong Kim in dear uge

Photo by Carlo Del Prado

Makatulong kaya ito? O pipiliin pa rin ni Kim ang Korean Oppa kaysa sa kababayang si Pedro? At mahanap kaya ni Kim ang satisfaction kapag nakapunta na siya ng Korea?

Paniguradong riot ang katatawanan at kuwentuhang 'yan sa Dear Uge, kasama si Eugene Domingo bilang Ms. Kori Kong at Bibim Bap.

Kaya tutukan 'yan ngayong Linggo, July 11, 3:45 p.m., pagkatapos ng GMA Blockbusters.