
Malugod na winelcome ni Eugene Domingo ang bagong Kapuso at kabigan niyang si Pokwang sa set ng Dear Uge.
Kamakailan ay nag-taping si Pokwang para sa isang episode ng GMA weekly anthology na mapapanood this August, kasama sina Mahal at Elle Villanueva.
Sa videong ipinost ni Pokwang sa Instagram ngayong July 13, mapapanood na nasorpresa siya nang dalhan siya ng bulaklak ni Uge habang nasa taping bago magyakapan.
"'Yung may pa-surprise ang kumare mong mataas energy hahahahha huuyyy nangnang Uge!! Thank you @dear.uge thank you sis… love you [heart emoji,] sulat ni Pokie sa kanyang caption.
Nagkasama sina Eugene at Pokwang sa isang lifestyle TV show sa kabilang istasyon kung saan sila co-hosts.
Nagkatrabaho rin ang dalawang komedyate sa ilang pelikula gaya ng D' Lucky Ones (2006), Apat Dapat, Dapat Apat: Friends 4 Lyf and Death (2007), at Nobody, Nobody But... Juan (2009).
Maging sa labas ng trabaho ay close sina Eugene at Pokwang. Sa katunayan, inaanak ni Eugene ang bunsong anak ni Pokwang na si Malia O'Brian.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, kay Pokwang, binalikan niya ang kanyang favorite moments kasama ang kaibigan.
Bahagi niya, "Dati kasi kami ni Uge no'ng wala pang pandemic, magkikita kami niyan magkakape-kape kami, maano kaming dalawa, mapisikal, may sabunutan kaming gano'n.
"Gano'n ang mga bonding namin at pagpapakita ng aming pagmamahalan.
"Si Uge ang komedyante na gusto niyang tagatawa lang s'ya.
"Kagaya no'ng nabubuhay pa si Chokoleit, si Uge taga-tawa lang 'yan.
"Gusto lang n'yang magpakuwento nang magpakuwento, 'sis kuwento mo naman.'
"Kasi 'yung buhay ko no'ng bata ako, tuwang-tuwa siya sa mga pinagdaanan ko, 'yung mga alaga kong bibe basta kung ano-ano, kapag nalulunod ako sa ilog."
Birong dugtong pa ni Pokwang, "Ewan ko ba sa kanya, nasa bingit na 'yung kaluluwa ko, tawang-tawa pa s'ya. Kasi natutuwa siya sa ganoong kuwento, 'yung mga kuwento no'ng bata pa ako."
Naging opisyal na Kapuso si Pokwang noong June 18 matapos pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA Network.
Tingnan ang ginanap na virtual contract signing ng komedyante sa gallery na ito: