
Riot na katatawanan at may kapupulutang aral ang handog ng Dear Uge noong Linggo, July 11!
Sa nakaraang episode nitong pinamagatang 'K-Pak Ghorl,' nakilala ang Korean-wannabe na si Kim (Arra San Agustin).
Koreanang-koreana mula pananamit hanggang pananalita ang die-hard K-Pop at K-Drama fan kaya naman dream come true nang magkaroon siya ng instant Korean boyfriend na si Park So Hyun (Hyojong Kim).
Tingin ni Kim ay ito na ang magdadala sa kanya sa Korea ngunit ang lalaki ay huwad pala!
'Wanted' pala ang boyfriend ni Kim at nagtatago lang sa mga pulis. Hindi rin totoong Korean si So Hyun, bagay na nabisto ni Pedro (Kokoy De Santos) na secret admirer ni Kim.
Sino kaya pipiliin ni Kim sa dalawa?
Patuloy na subaybayan ang kwentuhan sa Dear Uge tuwing Linggo, 3:35 p.m., pagkatapos ng GMA Blockbusters.