
May magbabanta sa buhay ni Valeen Montenegro sa all-new episode ng Dear Uge na pinamagatang 'Kill Joy.'
Dito ay gaganap siya bilang philanthropist na nagngangalang Joy.
Photo by Carlo Del Prado
Sa kabila ng pagtulong sa kapwa, may isang lalaki pala ang malaki ang may masamang balak sa kanya -- ang seasoned criminal na si Jonel, na bibigyang-buhay ni John Feir.
Photo by Carlo Del Prado
Dadating pa sa punto na magha-hire ng killer si Jonel sa katauhan ng ex-convict na si Zero, na gagampanan ni Antonio Aquitania, para ipapatay si Joy!
Photo by Carlo Del Prado
In-offer-an nang malaking pera si Zero, bagay na hindi niya matanggihan. Hindi hamak na mas malaki kasi ito kaysa sa kinikita niya sa kanyang barbecue stand.
Photo by Carlo Del Prado
Matuloy kaya ang masamang plano ni Zero kay Joy o bubulabugin siya ng kanyang konsensiya? At ano kaya ang dahilan kung bakit gusto ni Joel mategi si Joy?
Photo by Carlo Del Prado
Paniguradong riot ang katatawanan at kuwentuhang 'yan sa Dear Uge, kasama si Eugene Domingo bilang Ms. Ekaterina Artyomov.
Kaya tutukan 'yan ngayong Linggo, July 18, 3:35 p.m., pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA-7.