What's on TV

Eugene Domingo at Pokwang reunited para sa isang episode ng 'Dear Uge'

By Jansen Ramos
Published July 29, 2021 6:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WATCH: Fire hits community in Antipolo City
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

eugene domingo and pokwang


Tampok si Pokwang, kasama sina Mahal at Elle Villanueva, sa 'Dear Uge' episode na "My Special Delivery," na mapapanood this Sunday, August 1, pagkatapos ng 'GMA Blockbusters.'

Sinalubong ng bulaklak at mahigpit na yakap ni Eugene Domingo ang kanyang kaibigan at kapwa komedyanteng si Pokwang sa set ng Dear Uge.

Mapapanood si Pokwang for the first time sa GMA sitcom matapos pumirma ng kontrata sa Kapuso network.

Tampok siya sa episode na "My Special Delivery," kasama sina Mahal at Elle Villanueva na first time ding mag-ge-guest sa Dear Uge. Dito ay gagampanan ni Pokwang ang papel na Chit, isang single mom na pinasok ang courier business para buhayin ang anak na si Baby (Elle).

Habang nagde-deliver ng package, magugulat si Chit dahil naglalaman pala ito ng tao--si Dyosa (Mahal).

Itinuturing ni Pokwang na "panibagong journey" ang paglipat niya ng istasyon, bagay na ikinatuwa ni Uge.

May ilang pelikulang pinagsamahan ang dalawa na talaga namang pumatok sa takilya noon.

Kaya ngayong magkasama na sila sa Kapuso network, nais ni Uge na makatrabaho muli niya ang kaibigan.

Sabi ni Eugene, "We're happy, sis, and congratulations kasi alam namin na ang isang napakatalented na babae at isang komedyante na talagang in born katulad mo ay hindi dapat tumitigil sa pagtatrabaho.

"And GMA and Dear Uge were so honored and it's a pleasure na pinagbigyan mo kami. Sana hindi ito ang huli."

Naniniwala naman si Pokie na hindi ito ang huli nilang pagsasama sa GMA dahil, aniya, maliit lang ang industriya.

Panoorin ang reunion nina Uge at Pokie sa video sa itaas.

Mapapanood ang "My Special Delivery" episode ng Dear Uge this Sunday, August 1, 3: 45 p.m., pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA.

Naging opisyal na Kapuso si Pokwang noong June 18 matapos pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA Network.

Tingnan ang ginanap na virtual contract signing ng komedyante sa gallery na ito: