GMA Logo rita avila
What's on TV

Rita Avila, matsi-tsismis na manananggal sa 'Dear Uge'

By Jansen Ramos
Published August 5, 2021 5:06 PM PHT
Updated August 5, 2021 5:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WATCH: Fire hits community in Antipolo City
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

rita avila


This Sunday, isang kuwento tungkol sa importansya ng fact-checking ang dapat abangan sa fresh episode ng 'Dear Uge.'

Mapapagkamalang manananggal in the city si Rita Avila sa horror-comedy episode ng Dear Uge na pinamagatang “Manananggal” ngayong Linggo.

Gagampanan ni Rita ang papel na Luciana, isang barangay chairwoman.

Photo by Carlo Del Prado

Bilang kapitana, top priority ni Luciana na mabawasan ang krimen sa kanilang barangay na matagal nang kuta ng mga magnanakaw at iba pang kriminal.

Para sa kanyang komunidad, imposible itong mangyari kaya naman may special plan ang barangay tanod na si Tomas (Divine Tetay).

Photo by Carlo Del Prado

Ipagkakalat niyang isang friendly manananggal si Luciana na pinoproteksyunan ang kanilang barangay mula sa mga masasamang loob.

Effective naman ang pakulo ni Tomas dahil bababa ang crime rate sa kanilang barangay.

Ipagpatuloy kaya ni Luciana ang pagpapanggap bilang manananggal kung nakabubuti ito sa kanyang komunidad?

Photo by Carlo Del Prado

O magiging dahilan pa ito para ikatanggal niya sa pwesto dahil hindi lahat ay convinced sa horror niyang gimmick tulad ng barangay councilor na si Teresing (Mosang).

Photo by Carlo Del Prado

At ano kaya ang magiging reaksyon ng anak ni Luciana na si Dolores (Shayne Sava) sa tsismis na kumakalat tungkol sa kanyang Mama?

Photo by Carlo Del Prado

Paniguradong riot ang katatawanan at kuwentuhang 'yan sa Dear Uge, kasama si Eugene Domingo bilang Apang Haphap Inawi.

Kaya tutukan 'yan ngayong Linggo, August 8, 3:35 p.m., pagkatapos ng GMA Blockbusters.