
Kapupulutan ng aral ang kwelang kwento tungkol sa pagpapautang ang mapapanood sa all-new episode ng Dear Uge na pinamagatang “5-6 na, 123 pa” ngayong Linggo.
Tampok dito si Lovely Abella na gaganap sa papel na Zoraida, isang money lender.
Photo by Carlo Del Prado
Strikto at walang patawad si Zoraida sa kanyang mga "kliyente" kabilang diyan ang hangal na electrician na si Manuelito (gagampanan ni Mark Herras) na hindi mabayaran ang kanyang loan dues.
Samantala, todo-convince naman ang affectionate boyfriend ni Zoraida na si Dwight (Ervic Vijandre) na mag-invest sa nauusong cryptocurrency, na mapag-aalaman niyang scam pala.
Photo by Carlo Del Prado
Tila mababaliktad naman ang mundo nina Zoraida at Manuelito nang manalo ang huli sa lotto.
Photo by Carlo Del Prado
Hudyat pala ito ng sunud-sunod na kamalasan na darating sa buhay ni Zoraida dahil ang kanyang bahay ay mananakawan pa.
Ang malala pa, malalaman niyang hindi nagbabayad ng housing mortgage ang nobyong si Dwight na maaaring maging sanhi ng pagkaremata ng kanilang bahay.
Tanging ang diamond tiara na lang ang matitira kay Zoraida na binenta sa kanya ng kaibigang si Cara (Divine Aucina).
Photo by Carlo Del Prado
Maisanla niya kaya ang tiara bilang pambayad utang?
At handa kayang iwan ni Zoraida ang “5-6” life ngayong siya naman ang mababaon sa utang?
Paniguradong riot ang katatawanan at kuwentuhang 'yan sa Dear Uge, kasama si Eugene Domingo.
Kaya tutukan 'yan ngayong Linggo, August 15, 3:35 p.m., pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA.